Gretz's site

"It's all about me and them..."

Insights

usapang bitterness part 7

Posted on November 3, 2009 at 10:42 AM
USAPANG BITTERNESS PART 7

"FORGIVENESS" for me its the hardest thing to give.. Lalo na pag nasaktan ako ng sobra.. Mahirap magpatawad sa taong abusado. Ilang beses mo ng pinatawad, hindi pa din natitinag. Palibhasa alam niyang patatawarin mo ulit siya.

Minsan hindi ko alam kung dapat na ba ako maging manhid. Di ko na alam kung dapat ko pa ba paniwalaan lahat ng sinasabi niya. Lalo na at paulit ulit na lng.

Madaling magapatawad kung alam mong ang tanging bagay na pinaniniwalaan mo ay totoo. Pero paano u\kung ang tanging bagay na pinaniniwalaan mo at kasinungalingan lang din pala? Magagawa mo pa bang magpatawad?

Paano kung akala mo MAHAL ka niya. pero sa likod mo, iba pala ang sinasabi nia? Na kesyo hinihintay nya lang na makipaghiwakay ka sa kanya para makapangbabae na siya? Paano kung sinasabihian ka na pla niya ng msasamang bagay tulad ng kupal at ungas ka?

Paano kung ang laging linya nia ay "Hintayin mo lang na maghiwalay kami..." Magagawa mo pa din ba magpatawad? Bakit niya sasabhin lagi na hintaying maghiwalay kayo kung talagang mahal ka nia? Isa lang ibig sabihin nun, na hindi niya planong isiping ikaw na ang gusto niyang makasama habang buhay, dahil iniisip niya na isang araw, dadating ang paghihiwalay niyo.

Paano mo pa gagawing patawarin ang taong pagkatapos mong patawarin sa mga nagawa niang kasinungalingan ay patuloy ka pa ding sinasaktan? Kung umpisa pa lang ng relasyon nio, niloloko ka na nia agad?

Life is unfair. In a relationship, it's either ikaw and tanga, o ikaw ang nanloko. Kailan kaya tatablan ng kahihiyan ang ganyang klaseng tao?

MInsan ang natatnging paraan para mawala ang sakit ay ang iwan siya, pero ang tanong kaya ko ba?

Minsan hindi mo na alam kung dapat pa ba siyang paniwalaan. minsan hindi mo na alam kung dapat mo ba siyang gantihan. Dahil sa sakit na nranasan mo, halos kulang na lng, patayin mo na sarili mo pra lng di mo na mramadaman ang sakit.

"SOMETIMES YOU DONT KNOW WHAT YOU'VE GOT... TIL YOU LOSE WHAT YOU HAVE.."

Dapat na ba siyang iwan para malaman niya naman kahit papano ang halaga mo? kahit alam mong mas gugustuhin niyang wla ka? o ipagpapatuloy mo ang pagiging tanga at magbulag bulagan sa gingwa nia?

Wag kang magsawang magpatawad, ikaw man ang nagmukhang tanga, wala naman sayo ang konsensya... :)

-xxvii-

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments